Friday, April 29, 2011

10 URI NG PASAHERO SA JEEP (SINO KA DITO?)


If you are a keen observer you will notice different behaviors of your co-passengers.  I've classified them for you. <tag-lish nalang ah. hirap pag pure eh.> :))

IDLE MODE

Hala sige nganga pa at papasukan na yang bibig mo ng langaw. <hahaha>.  Isa ka talagang certified MASA< masandal tulog!>. No wonder at up and down and movement ng ulo mo at maya-maya babagsak na yan sa balikat ng katabi mo. Or bigla ka nalang mapapayuko ng sobra  na tila gusto mo ng ilapit ang ulo mo sa tyan mo at biglang <boom!>  Magigising ka nalang at magkukunwaring parang walang nangyari. Either kukunin mo ang phone mo or may ichecheck kunwari sa bag! hahaha. Palusot.com <Gawain ko yan>

BUKAKA KING AND QUEEN

Sila ang mga taong feeling nila sumakay sila ng taxi o nabili na nila ang jeep. Duh? Nagbayad din kaya kami. Hahaha. Ang sikip na nga at pilit mo na silang sinisiksik ayaw parin nilang iayos ang pagkakaupo. Iisang pwet na nga lang upo ko eh.. Haler? Mainit po ba at pinapahanginan nyo yan? :D


ARAL MODE

Eto ay para sa mga estudyanteng katulad ko na wala ng time sa pagrereview sa bahay. Hala, sige, basa dito at doon. Maglalabas pa ng calcu yan! Hahaha. Wala silang pakialam sa mga nangyayari sa jeep basta focus sa pagrereview, may exam kasing dapat ipasa. ;) Nandyan pa ang yellow paper/index card na puno ng keywords o photocopy ng lecture na may guidelines pa. san ka pa? Gambate Ne!


KAYOD KALABAW

“Ate, Kuya, pangkain lang po… “ pamilyar ba? ;) sila ang mga chikiting na humihingi satin ng konting barya. Ang kulit nila no? hehe at susyal ang iba dahil may pasikat pang tambol at pagkanta. At syempre ang signature envelope nila with matching handwritings. Sipag nila db?  J <Ang iba todo deny sa kanila, may barya naman sa bulsa, any amount will do no!>



TIGHT ANG BUDGET


“Manong kulang pa ng Piso!” hahaha. Have you encountered this? Sila ang mga pasaherong tight ang budget. Although wala namang masama sa pagtitipid. Kaso lang sisigaw pa yan at sasabihin kay mamang drayber na hindi cya tamang magsukli at malalaman mo nalang PISO lang pala ang kulang! Hahahayy buhay.. :S


MEGAPHONES

                Sila ang nagbibigay buhay sa loob ng jeep, maliban nalang sa soundtrip ni kuya drayber na kadalasan ay love song o kaya naman ay remix ng kung ano anong tugtugan< gangster pa kadalasan>. Haha. Napakalakas ng boses nilang mag-usap, e magkatabi / magkatapat lang naman sila. At eto pa hindi pa nakuntento at tatawa pa yan. Hanggang sa pagbaba walang bukang bibig kundi ang maiinit na topic sa buhay nila. :) 

HIGH BLOOD

High Blood si nanay/tatay e?. hehehe. Bawal nga po dun magbaba kasi po huhulihin si manong drayber. Lumampas lang po ng kaunti galit agad? Hahaha. Konting tiis at pasensya lang po. Manong is doing it for the greater good naman e. < may ganun? Hehe> 


COMATOSE

Hala sige. Tingin pa doon, Kalikot sa phone at sa loob ng bag. Anu ba yan!. Ayaw iabot yung bayad ko…Ngawit na yung kili-kili ko eh. Grabe silang mang-snab. Daig pa ang kontrabida sa TV. At dinaiag pa ang compass sa pag-iwas ng mga ulo nilang halos 360 degress kung umikot papalayo sayo.. hahaha. :D


SIKSIK PA
               
“O tatlo pa.. tatlo pa…” edi sakay ka naman. Malalaman mo nalang na wala ka na palang mauupuan kundi ang napakaliit na espasyo na kahit ang binti mo ay hindi na ata magkakasya.  Isa kang biktima ng maling pagpapahayag ng impormasyon. Bwahaha < bkit ang lalim nito? XD>. Wala ka ng magagawa kundi ang pagpilitang sumiksik kahit maupuan mo pa ang hita ng katabi mo. XD < okay lang yan, may bababa naman mamaya eh>


BUDOL - BUDOL

Hindi sila holdaper at lalong hindi snatcher. Hahaha. Sila ang mga pasaherong nagkukunwaring tulog, nagttxt, may kausap sa phone, taga-abot ng bayad at kung anu-ano pang pagkakabusyhan. Basta’t hindi lang mahalatang di pa siya nagbabayad. Hala ka! Magbayad ka na. hehehe <dali na, magbayad ka na> HAHAHA…






>sana nag-enjoy kayo.
>na-classify nyo na ba kung sino kayo? :)

*images from google image


2 comments:

  1. Ako din Idle mode... pero hindi TL hehehehe napadaan laang...

    ReplyDelete